Kung ikaw ay aktibo sa sex, ang regular na pagkuha ng HIV test ay makatutulong sayo upang maabisuhan ka palagi ng iyong estado. Gayunpaman, hindi laging madali ang pumunta sa testing clinic, pwede ring ay ikaw ay nag-aaalala sa iyong kaligtasan at privacy sa testing clinic.
Sa ibang lugar, maaari kang makatanggap ng HIV test kit na puwede mong gawin sa bahay. Itong mga self-test HIV kits ay hindi sing-wasto tulad ng mga nasa clinic, subalit, mainam na rin ito kaysa hindi ka magpa-eksamen. Kung ikaw ay hindi regular na makapupunta sa clinic para magpa-eksamen, puwede na ang self-testing sa bahay gamit ang HIV kits.
Kapag nag-eksamen ka sa bahay, kadalasan tumatagal ng 23 hanggang 90 na araw bago nito ma-detect ang HIV. Sa ganito katagal na panahon, posibleng lumabas na negatibo kahit ito ay positibo talaga. Importanteng gawin ang eksaminasyon sa loob ng 23 hanggang 29 na araw, at muli kapag natapos na ito, upang wastong malaman ang iyong HIV status. Ang mga impormasyon na kabilang sa iyong testing kit ang makakapagsabi ng "timeframe" o palugit kung kailan pinaka made-detect ang HIV antibodies sa iyong katawan. Kung ikaw ay nahantad sa HIV sa loob ng 72 oras, daliang pumunta sa iyong doktor o clinic upang maituro sa iyo kung paano magpagamot matapos mahantad sa virus (post-exposure prophylaxis).
May dalawang paraan upang magawa ang HIV testing sa bahay. Una, mayroong test kit kung saan kukuha ka "swab", o sample ng iyong laway para makita agad ang resulta sa bahay. Ang pangalawa naman ay ang pagkuha ng sample ng iyong dugo na ipapadala sa clinic o laboratoryo. Para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga HIV test kits, tingnan ang link na ito mula sa Building Healthy Online Communities.
Kung ang lumabas sa iyong home test kit ay positibo, maaari kang magpa-eksamen muli sa iyong doktor o clinic para makasigurado. May mga pagkakataon na ang HIV test ay magbibigay ng maling positibong resulta, kaya naman ay importante na magpa-eksamen muli sa clinic. Kapag positibo pa rin ang resulta ng iyong pangalawang test, puwede kang tulungan ng iyong doktor para sa agarang gamutan o kaya ay i-eendorso ka sa mga support services na puwedeng umalalay sa iyo. Kung negatibo naman ang pangalawang test, ugaliin ang pagkuha ng HIV test para ikaw ay palaging naaabisuhan ukol sa iyong estado. Puwede ka rin magtanong sa iyong doktor tungkol sa PrEP, o ang gamot na pangontra HIV na iniinom araw-araw.
Sa ngayon, sa Europa at Estados Unidos lamang mayroong test kits na puwedeng gawin sa bahay. Kung gusto mong malaman ang mga HIV home test kits na pupuwede sa iyo, tingnan ang link na ito. Kung sa tingin mo naman ay makakapunta ka sa clinic para magpa-eksamen, hanapin ang pinakamalapit na HIV testing site sa iyo, sa link na ito.