Ang "consent", o pahintulot sa Tagalog, ay ang pagkakasundong namagitan sa iyo at ng ibang tao ukol sa mga bagay na napagkasunduan ninyong gawin. Maaaring sanayin ang consent sa pang araw-araw na buhay, tulad ng paghingi ng pahintulot mula sa iyong bagong katrabaho kung ayos lang ba yakapin sila, pwede rin itong isanay sa paghingi ng pahintulot sa iyong nakilala sa Grindr kung anu-ano ang mga sekswal na bagay ang komportable silang gawin kasama ka.
Ang pagkakaroon ng pahintulot (consent), ang nagsisilbing opisyal na usapan na nangangahulugang maaari ninyong gawin ang mga sekswal na bagay na ginugusto nang hindi nasasaktan. Magkakaroon ng consent sa pamamagitan ng malinaw na pakikipag-usap at pagkakasundo.
Kapag mayroong pahintulot (consent) ay nangangahulugang may katiyakan kayo ng iyong katalik na ligtas ang inyong mga gagawin habang kayo ay magkasama. Ito ay maaaring gawin sa iba't-ibang paraan, tulad ng pagtatanong ("Puwede ko bang hubarin ang iyong pang-itaas..."), at pagbibigay ng suhestiyon ("Gusto sana kitang malikan, maaari ba?"). Ang pagbigay at paghingi ng pahintulot ang magbibigay kasiguraduhan na pareho ninyong nirerespeto at tinatanggap ang mga gusto at limitasyon ng isa't isa.
Ang pagbibigay ng pahintulot (consent) ay paglilinaw na gusto ng isa't isa ang mga ginagawa at gagawin. Puwede kang magbigay ng consent sa pamamagitan ng pagbigkas ng "oo", o kaya naman ay pagpapakita sa iyong katalik na gusto mo at ikaw ay natutuwa sa inyong ginagawa.
Importanteng alalahanin na ang consent (pahintulot) ay puwedeng bawiin. Ikaw ba ay nagbigay pahintulot sa iyong kausap sa Grindr, ngunit nang magkatagpo kayo ay hindi na panatag ang iyong loob? Puwede kang magbago ng isip at bawiin ang iyong sinabi. Hindi porke't binigyan mo na siya ng pahintulot sa Grindr, ay dapat ninyong gawin iyon kapag nagkita kayo. Karapatan mo at ng iyong partner ang maramdaman ng respeto at kaligtasan habang kayo ay magkasama.
Panuorin ang bidyo na ito mula sa Planned Parenthood para sa karagdagang kaalaman ukol sa pagkakaroon ng pahintulot (consent). Ang listahan naman na ito mula sa Teen Vogue ay nagpapakita ng ilang ehemplo kung paano sanayin ang sarili sa pagbigay at pagtanggap ng pahintulot (consent) sa maraming pagkakataon.