Ang pagbubuntis ay maaaring pigilan sa pamamagitan ng iba't-ibang paraan, tulad ng: paggamit ng condom, pag-inom ng pill, at iba pang pangmatagalang solusyon. May mga ibang transgender ang hindi sila komportable sa usaping pagbubuntis, ngunit, mahalaga pa rin na may kaalaman tayo at pag-unawa sa mga pamamaraang puwedeng gawin kung mayroong posibilidad na ikaw ay mabuntis.
Ang pagkuha ng pregnancy test, pakikipag-usap sa iyong partner tungkol sa pagbubuntis, at paggamit ng birth control ay mahirap gawin sa umpisa, ngunit ang patuloy na paggawa nito ay higit na makatutulong sa iyong kalusugang panseksuwal.
Kung ikaw ang umiinom ng hormones, hindi sapat ang testosterone o kaya ay estrogen upang mapigilan ang pagbubuntis. Kung ikaw ay natatakot na baka ma-apektuhan ng birth control ang iyong regular na pag-inom ng hormones, tingnan itong listahan ng Planned Parenthood para sa mga birth control na walang hormones. Kung ikaw ay may pagdududa, lumapit sa iyong doktor, upang matulungan kang pumili ng birth control na nararapat sa iyo.
Para sa sa iba pang mga tips ukol sa sa safe sex, tingan itong link tungkol sa Safer Sex for Trans Bodies (ligtas na pakikipagtalik para sa mga transgender). (Link para sa impormasyon sa lengguwaheng Ingles at Espanyol).