Ikaw ay maaaring maging emosyonal kapag nalaman mong positibo ka sa STI. Sa mga ganoong pagkakataon, importanteng alagaan mo ang iyong pisikal na sarili, at sikapin ang paghilom ng iyong mga emosyon.
Isang paraan para higit na maalagaan ang iyong sarili ay ang pagbanggit nito sa mga taong malapit sayo. Ang presensiya ng mga taong pinagkakatiwalaan mo ay makatutulong sa iyo upang hindi mo maramdaman na ikaw ay nag-iisa habang nagpapagaling.
Pagkatapos planuhin ang mga susunod na hakbang sa pagpapagaling, importante rin na ikaw ay maging tapat sa iyong mga nakatalik. Sa pamamagitan ng pagsabi sakanila ng iyong resulta, tinutulungan mo silang maging alerto. Maaari mo rin silang hikayatin na magpa-eksamen agad, o kaya naman ay magpagamot agad upang pigilan ang pagkalat ng impeksiyon sa kanilang katawan.
Nararapat na agarin ang iyong pagsabi ng iyong resulta sa mga iyong nakatalik. Puwede mo silang kontakin sa pamamagitan ng pagtawag, pag-text, pag-iwan ng mensahe sa Grindr, o kaya naman ay direktang sabihin sakanila habang kayo ay magkasama. Kung ikaw naman ay nahihiya, o nag-aalinlangan na sabihan sila ukol sa iyong positibong resulta, maaari kang humingi ng tulong sa iyong lokal na pagamutan/lokal na kagawarang pangkalusugan, o kaya naman ay subukan ang programa ng TellYourPartner.org (pang-U.S.A. lamang). Nasasaiyo kung paano mo komportableng masasabihan ang iyong mga partner.