Ang PrEP, o pre-exposure prophylaxis (pangontra sa pagkalat ng impeksyon dulot ng HIV) ay isa sa mga pinakabago at pinaka-epektibong pamamaraan ngayon upang labanan ang epidemya ng HIV. Ito ay isang medikasyon na iniinom upang maiwasan ang pagpasa ng HIV. Isang mahalagang paalala na tanging pagpasa HIV lamang ang kayang pigilan ng PrEP.
Sa kasalukuyan, ang tanging medikasyon na nakapipigil sa pagpasa ng HIV ay Truvada. Ito ay gamot na regular na iniinom ng mga negatibo sa HIV, o bago mahantad sa virus. Ang tatak na Truvada ay aprubado lamang sa ilang bansa, ngunit nalalapit na rin itong maaprubahan sa mas marami pang bansa.
Panuorin ang bidyo mula sa Greater Than AIDS para sa karagdagang impormasyon. (Link sa mapagkukunan ng impormasyon sa lenggwaheng Ingles)