Maraming dahilan kung bakit kinakailangan ng isang tao ang maghanap/magkaroon ng kapalit sa sex toys, lubes, o barrier method (hal. condom, dental dam). Maaaring wala silang mabilhan nito, o kaya naman ay ang pagkakaroon ng mga ganitong bagay ay pwedeng makapag-out sa kanyang pamilya o mga kasama sa bahay. O kaya naman, sila ay isang transgender at walang mahanap na alternatibo sa mga ito na pupuwede sakanilang katawan at sa tipo ng pagtatalik na kanilang ginagawa.
Kung anuman ang iyong sitwasyon, nararapat pa rin na gamitin ang mga bagay (tulad ng mga halimbawa sa itaas) alinsunod sa kaniyang wastong paggamit. Halimbawa, ang cock ring ay ginawa para maging cock ring, at ang dalawa sa pinaka-epektibo pa ring barrier method ay ang condom at dental dam. Kung wala namang condom at dental dam, may mga alternatibo pa rin na ligtas gamitin kapag ginamit ng wasto.
Mga Alternatibo sa Sex Toys
Maraming puwedeng alternatibo sa sex toys ang mahahanap sa bahay. Kung ikaw ay naghahanap ng dildo, cock ring, o kaya naman ay mga kagamitan para sa impact play (mga gamit sa spanking, whipping, paddling, atbp.), importante pa rin maging listo sa paggamit nito upang maging ligtas sa lahat ng pagkakataon.
Kung ang ginagamit mong alternatibo sa dildo ay isang kagamitan sa bahay, ugaliing takpan ito ng condom para maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon. Ilan na lamang ang hawakan ng hairbrush at mga gulay sa mga pinakamadalas na ginagamit na alternatibo sa dildo. Hindi kadalasang makinis ang balat ng mga gulay, kaya puwede nitong mabutas ang condom na maaaring nakapagdadala ng mga impeksiyon. Nararapat na lahat ng ipapasok sa iyong katawan ay may hawakan upang hindi ka mahirapan hugutin ito.
Para naman sa mga kagamitan sa bahay na ginagamit bilang vibrator, tulad ng hawakan ng electric toothbrush, o kaya naman ang iyong cellphone, nararapat pa rin alamin kung ito ay waterproof. Ugaliing balutan ng condom ang mga electronic na gamit, at gamitin lamang ito sa mga panlabas na parte ng katawan.
Maraming paraan para makagawa ng alternatibo sa cock ring. Puwede mong alisin ang plastic ring (bilugang dulo) mula sa condom, at gamitin ito bilang cock ring. Ang cock ring ay dapat panandalian lamang ginagamit, at lalong dapat ito ay gawa sa malambot at madaling tanggalin na materyal kahit matigas pa ang iyong ari. Kung ikaw ay nagsisimula nang masaktan o nagkakapasa, tanggalin ito agad agad. Kung hindi ito maalis, magpatawag agad ng emergency mula sa ospital, o agarin ang pagpunta sa ospital.
Ang mga kagamitang tulad ng unan at medyas ay pupuwedeng gamitin bilang masturbation sleeves (pambalot sa ari tuwing nagja-jakol), samantala, ang mga sipit naman panlaba ay puwedeng gamitin bilang nipple clamps. Ang sinturon, siyanse, o de-kahoy na kutsarang panluto naman ay puwedeng gamitin sa bondage at impact play (mga gamit sa rope bondage, whipping, paddling, atbp.). Kung ninanais gumamit ng bagay tulad ng mga nabanggit, siguraduhin na sa ligtas na pamamaraan lamang sila gagamitin.
Ang pinaka-importanteng alalahanin sa paggamit ng mga alternatibo sa sex toys ay: huwag magpapasok ng matatalim; takpan ang mga gamit ng condom; at huwag gumamit ng mga madaling mabali, pagka't puwede itong maiwan sa loob mo.
Mga Alternatibo sa Lube
Importante ang lube sa pakikipagtalik sapagkat ito ay mas nakakapag-pasarap at nakakabawas ng posibilidad ng paglipat ng STI. Kung ikaw ay walang lube, maraming puwedeng gamiting alternatibo dito na makikita sa bahay. Mayroon ang Refinery29 ng listahan ng mga ligtas na gamiting alternatibo sa lube, tingnan ang link na ito.
Kung ikaw ay gumagamit ng condom upang iwasan ang STI o pagbubuntis, nararapat na ang lube na iyong gamitin ay walang mantika dahil maaaring makasira ito ng condom.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa lube, at mga alternatibo sa lube, tingnan ang gabay na ito mula sa Center for Sexual Pleasure & Health.
Mga Alternatibo sa Barrier Method
Mahirap makahanap ng alternatibo sa mga barrier method na tulad ng condom o dental dam. Mayroon lamang ilang alternatibo ang ligtas subukan kung ikaw ay walang condom o dental dam.
Ang mga kagamitang tulad ng plastik ay hindi dapat ginagamit bilang alternatibo sa condom. Ang punto ng paggamit ng condom ay upang pigilan ang pagpasok ng mga likido sa loob ng iyong bibig, butas ng puwet, o ari. Ang paggawa naman ng "roll-on condom" gamit ang plastik ay hindi epektibong pamamaraan upang pigilan ang STI o pagbubuntis.
Gayunpaman, ikaw ay pwedeng gumawa ng dental dam mula sa roll-on condom, may latex at walang latex na guwantes (latex/latex free gloves), o kaya naman mula sa plastik na pambalot ng pagkain (non-microwavable plastic wrap). Ang mga kagamitang nabanggit ay puwedeng gamitin para takpan ang butas ng puwet, o ang puki para sa oral sex. Paalala lamang na posibleng makabara ng paghinga ang paggamit ng plastic wrap.
Ang lahat ng mga nabanggit ay hindi maaaring gamitin bilang condom, at lalong hindi dapat gamitin para pigilan ang paglipat ng STI, o pagbubuntis.
Kung ikaw ay may katanungan ukol sa sex toys, lube, o kaya naman ay barrier methods, maaari kang makipag-chat sa mga health educators ng Planned Parenthood sa link na ito.