Ang Truvada ay orihinal na ginawa upang labanan ang virus sa mga positibo sa HIV. Gayunpaman, maaari na rin itong inumin ng mga negatibo upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng HIV, lalo na kung siya ay hantad sa virus. Sa kasalukuyan, aprubado ng US Food and Drug Administration ang Truvada bilang PrEP, ganoon din sa mga kahalintulad na ahensya ng gobyerno sa Peru, Pransiya, Timog Africa, Kenya, Israel, at Canada.
Sa mga bansang tulad ng Thailand at Brazil, ang PrEP ay kasalukuyang isinasagawan ng klinikal na pagsubok. Marami ring mga grupo ang humihiling na maaprubahan ang PrEP sa kanilang lugar, ngunit hindi pa ito binibigyang prayoridad.
Tingnan ang PrEP Watch, para sa listahan mga bansa kung saan aprubado na ang PrEP.
Kung ikaw ay nasa Pilipinas, tingnan itong link ng Love Yourself.
Kung ikaw ay nakatira sa Asya at Pasipiko, tingnan ang impormasyon mula sa PrEPMap.org.
Kung ikaw ay nasa Estados Unidos, tingnan ang PrEP Locator dito.