Komplikado ang sagot sa tanong na ito. Para sa iba, maaaring hindi ligtas ang magladlad sa isang doktor, lalo na kung nakatira sila sa mga bansa kung saan ang pagiging LGBT ay nananatiling ilegal at ang pagiging pribado ng diskursong namamagitan sa doctor at pasiyente ay hindi garantisadong protektado ng batas.
Gayunpaman, kung tayo ay magiging matapat at mapagtiwala sa ating doktor, maaari nila tayong bigyan ng mas karampatang alaga at paggamot. Ang pagbanggit sakanila ng iyong totoong gender identity, sekswalidad, at sexual activities ay makatutulong upang mabigyan tayo ng sakto at nararapat na tests na tutulong sa atin maging mas malusog.
Tandaan na karapatan ng lahat ang magkaroon ng ligtas at pribadong karanasan sa klinika. Sa pagkakataong sinubukan ng doktor na sabihing mali ang iyong sekswalidad, gender identity, or ang sexual activities na iyong ginagawa, magalang na sabihin sakanila na nais mo lamang pag-usapan ang karampatang testa at gamot para sa iyong sitwasyon.
Panuorin ang bidyo mula sa Greater Than AIDS para sa karagdagang impormasyon. (Link sa mapagkukunan ng impormasyon sa lenggwaheng Ingles)