Ayon sa siyensiya, kapag ang taong positibo sa HIV ay undetectable, hindi lamang sila ay mas malusog, hindi rin nila maipapasa ang HIV sa iba. Sapagkat, Undetectable = Untransmittable (U=U).
Ito ay makabagong pag-unlad sa pag-aaral ng HIV. Ibig sabihin nito ay ang mga taong positibo sa HIV na undetectable ay may maliit lamang ang tsansa na maipasa ang virus sa kanilang mga katalik. Ang mga taong positibo sa HIV ay bahagi rin sa pagkalap ng solusyon upang maitigil ang sakit sa pamamagitan ng paggamot at pagiging maingat sa katawan.
Tingnan ang UequalsU.org at Building Healthy Online Communities para sa karagdagang impormasyon. (Link sa mapagkukunan ng impormasyon sa lenggwaheng Ingles)