Ingatan ang iyong pagkakakilanlan.
Huwag mag-post ng personal na impormasyon (numero ng telepono, address, pinagtatrabahuhan) sa iyong pampublikong profile. Ibahagi lang ang impormasyong ito sa ibang mga user kapag sa palagay mo ay mapapagkatiwalaan mo sila. Maaaring maging pampubliko ang anumang ibabahagi mo sa ibang user sa pamamagitan ng kanilang mga pagkilos, kaya naman tandaan ito kapag nagbabahagi ng mga litrato at video ng iyong sarili. Mag-ingat sa phishing at mga romance scam, at huwag magbigay ng anumang pinansyal na impormasyon sa ibang mga user. Karagdagang pa, tandaan na ang anumang SMS verification codes na ipinadala sa iyo ng Grindr ay para sa iyo lang, at hindi dapat ibahagi sa kaninuman para sa anumang dahilan.
Kung hindi ka komportable sa pag-post ng litrato ng iyong mukha sa Grindr, isaalang-alang ang paggamit ng litrato na kumakatawan sa iyo sa ibang paraan (halimbawa, isang litratong nauugnay sa iyong mga hobby o personalidad). Kung pipiliin mong mag-post ng litrato ng mukha, alamin na posibleng hanapin ang litrato at maghanap ng ibang mga site kung saan mo na-post ito.
Gayunding, maging maingat kung pipiliin mong ikonekta ang mga social media account mo (tulad ng Instagram, Facebook, Spotify o Twitter) sa iyong profile sa Grindr.
I-secure ang iyong account.
Magaling kung iingatan ang iyong account sa paggamit ng talagang unique na password sa Grindr na mahirap hulaan, at paggamit sa aming PIN code feature. Nag-aalok din kami ng discreet app icons.
Unawain na maaaring i-save at/o i-share ng mga tao ang pribadong impormasyong ibinabahagi mo tulad ng mga message o litrato.
Maging nakakaalam ng mga feature ng lokasyon.
Mula sa iyong page ng mga setting, maaari mong piliin kung gusto mong “Ipakita ang Distansya” sa mga grid view ng ibang mga user. Sa pamamagitan ng pag-aalis sa pagkakapili sa “ipakita ang distansya”, hindi ipapakita ang distansya mo sa ibang mga tao. Pero, makikita ng ibang tao ang profile mo sa grid, nang naka-sort ayon sa distansya sa kanila, kaya maaaring magpahiwatig ng approximate na distansya. Kokolektahin lang ng Grindr ang iyong impormasyon sa loob ng 100 meter radius ng accuracy. Kung minsan ay maaaring napakalapit nito sa halos 100 meter ng iyong aktwal na lokasyon.
Kung hindi mo gustong ipakita ang iyong approximate na distansya, maaari kang pumunta sa mga setting ng iyong device at i-off ang pagbabahagi ng lokasyon. Sa ilang rehiyon ng mundo, iligal ang pagiging miyembro ng LGBTQ. Sa mga lugar na iyon, maaaring awtomatikong guluhin ng Grindr ang mga lokasyon ng mga user, o tuluyang i-off pa nga ang feature na ito.
Maging nakakaalam kapag nagbibyahe.
Kung magbibyahe ka sa isang bagong lugar, alamin ang mga lokal na batas. Sa kasamaang-palad, sa ilang bansa kung saan iligal ang pagiging LGBTQ+, kilalang gumagamit ng mgal social media app bilang mga tool ang tagapagpatupad ng batas para sa potensyal na entrapment. May batas ang ilang bansa na binibigyang-kaparusahan ang pakikipag-usap sa mga LGBTQ+ network.
Kung nasa isang lugar ka na maaaring hindi ligtas, maging napakaingat at sumangguni sa lokal na mga samahan ng karapatang pantao para sa karagdagang tulong.
Huwag magmadali.
Subukang makipag-chat sa telepono o video chat bago makipagkita. Kahit nagcha-chat online, maging maingat sa iyong ibabahagi. Maaaring gugustuhin mong i-verify muna sa pamamagitan ng social media o sa isang kaibigan (o kaibigan ng kaibigan) kung antaong kausap mo ay talagang bahagi ng LGBTQ+ community.
Bagaman nagsisikap ang Grindr na i-ban ang mga scammer agad-agad, naririyan sila at dapat kang mag-ingat. Maaaring i-record ng mga “sextortion” scammer at gamitin ang intimate message o video content laban sa iyo. Maaaring subukan ng mga scammer na lumipat ka sa email o video nang napakabilis, dahil alam nilang hindi magtatagal ay iba-block sila sa Grindr . Sa pangkalahatan, inirerekomenda namin na panatilihin ang pakikipag-usap sa Grindr hanggang sa tuluyan kang maging komportable.
Maaaring mapanganib ang pagbabahagi ng iyong lokasyon o home address, gawin lang iyon kapag komportable ka na, at huwag ma-pressure kung pinadala na ng kausap mo ang lokasyon niya (dahil pwedeng hindi iyon ang aktwal niyang lokasyon at maaaring ginagamit niya ito para pakagatin ka na ibigay ang iyong totoong lokasyon).
Kung pipiliin mong makipagkita, inirerekomenda naming gawin mo muna iyon sa publiko, sa isang ligtas na lugar tulad ng LGBTQ+ friendly na cafe, at mag-ingat sa kung anong mga gamit ang dadalhin mo. Alamin ang iyong mga limitasyon sa alak, huwag tumanggap ng anumang kakaibang mga inumin o droga, at bantayan ang sarili mong iniinom.
Tiyakin na may responsableng tao na pinagkakatiwalaan mo ang nakakaalam kung kanino ka makikipagkita, kung saan ka pupunta, at kailan ka babalik. Magbigay ng emergency contact information. Panghuli, tiyaking ikaw ang bahala sa sarili mong transportasyon at magkaroon ng planong makauwi.
Ugaliing maging maingat sa pakikipagtalik.
Huwag hayaan ang sinuman na iparamdama sa iyo na ang iyong sekswalidad ay hindi normal. Huwag hayaan ang sinuman na hiyain ang pangangatawan mo o sabihin sa iyo na ang gusto mo ay hindi mainam para saiyo. At huwag hayaan ang sinuman na i-pressure ka na makipagtalik kung ayaw mo. Gayundin, tiyaking humingi ng pahintulot bago makipagtalik, at respetuhin ang mga hangganan. Maaaring bawiin ang pahintulot anumang oras, at hindi karapatang hingin ng sinuman.
Ugaliing maging mas maingat sa pakikipagtalik at magpasuri para sa HIV at iba pan gmga STI nang regular. Parating makipag-usap sa mga taong nakikilala mo tungkol sa iyong mga inaasahan sa kaligtasan.
Gamitin ang aming feature na i-block at iulat.
Kung hindi ka nagiging komportable sa isang tao sa app, maaari mong piliing i-block ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili sa icon na '🚫' sa profile ng user at pag-tap sa ‘i-block.’ Aalisin ka nito sa view ng user at sa iyong view rin, at hindi mo magagawang makipag-ugnayan sa isa't isa malibang piliin mong i-unblock ang mga ito.
Kung sa palagay mo ay may isa pang user na lumalabag sa aming Mga Tagubili ng Komunidad, i-ulat ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili sa icon na '🚫' sa profile ng user at pag-tap sa ‘iulat.’ Susuriin ng aming moderation team profile ng user at ang iyong ulat at gagawa ng angkop na pagkilos.
Kahit pa sundan mo ang lahat ng mga tip namin, walang perfect na plano sa pagbabawas ng ikasasama. Kung gusto mong mag-ulat ng insidente na nangyari sa labas ng Grindr, ipaalam sa amin sa help@grindr.com. Pwede ka ring pumunta sa mga samahan ng karapatang pantao o LGBTQ+ para sa tulong, at kung komportable ka, mag-ulat sa tagapagpatupad ng batas.
Hinihimok ka naming makipag-ugnayan sa isa't isa at tulungan kaming bumuo ng ligtas na inclusive na komunidad.
PPagkillala sa COVID-19
Sa maraming lugar ng mundo, ipinapayong huwag munang makipagkita. Inirerekomenda naming panatilihing virtual ang mga date para mabawasan ang panganib ng pagkakalat o pagkakaroon ng COVID-19.
Kung makikipagkita ka sa isang tao: magplano ng aktibidad sa labas, magsuot ng mask, at manatiling malayo sa isa't isa.
Para sa mga karagdagang tip kaugnay ng COVID-19, bisitahin ang website ng WHO website.
Mga Gabay ng Grindr sa Holistic Security
Para sa mga karagdagang tip sa digital security, personal na kaligtasan, at, pag-ingat sa sarili