Ano ang gender identity?
Ang Gender Identity ay ang panloob na kaalaman ng isang tao sa kanilang kasarian - ang malalim na kaalaman na sila ay isang babae, isang lalaki, o non-binary.
Ang lahat ng tao ay may gender identity, kabilang ang mga taong hindi "transgender". Ang mga lalaki na hindi transgender, halimbawa, ay alam pa rin sa loob nila na sila ay lalaki. Iyon ang kanilang Gender Identity.
Bago mag-transition, maaring hindi pareho ang pagkakilala ng isang transgender na tao sa sarili niya kaysa sa tingin sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga transgender na tao at sa Transgender movement, tignan ang National Center for Transgender Equality
Ikaw ba ay isang trans pinoy at iniiisip kung paano lalabanan ang "dysphoria" at mas maging may kumpiyansa?
Ang APTN ay gumawa ng isang gabay para sa mga tao na trans masculine upang malaman ang mga bagay tungkol sa Gender Expression at mga paraan upang mas maging komportable at may kumpiyansa sa sariling katawan. Ang 12-set na gabay na ito ay may kasamang impormasyon tungkol sa binding, packing, at STPs, kasama din tungkol sa ligtas na pagbiyahe.
Ang Binding ay isang paraan upang maging flat ang dibdib, habang ang packing naman ay isang paraan para lumikha ng umbok sa pantalon. Ang mga Stand-to-Pee (STP), ay tumutulong sa mga trans man na maka-ihi habang nakatayo. Ang gabay na ito ay may mga kasamang kapaki-pakinabang na impormasyon sa iba't ibang tatak at pagpipilian, mga ligtas na paraan, at mga paraan upang makagawa ng sariling packer.
Iniisip mo bang baka ikaw ay isang transgender at naghahanap ng mga impormasyon tungkol dito?
Suriin ang Fact Sheets ng Asia Pacific Transgender Network tungkol sa pagiging trans. Ang APTN ay may 7 maliit na buklet na sumasaklaw sa mga pinaka karaniwang katanungan:
1. Iniisip ko baka trans ako
2. Paano sabihin sa iba na ako ay trans
3. Pagbabago ng hitsura o pagpapahayag ng kasarian
4. Proseso ng legal na pag-transisyon
5. Iba pang legal na mga isyu para sa mga transgender na tao
6. Proseso ng medikal na pag-transisyon
7. Pananatiling ligtas at malakas
Okay lang ba kung mas gusto ko yung trans man na wala nang suso?
Malaya kang pumili kung kanino mo gustong makipagtalik. Pagdating sa pagtatalik, sana kayo ay makakapag-usap tungkol sa mga limitasyon, ngunit gayundin, manatiling bukas ang isipan. At kung ikaw ay hindi okay na hindi nila natutugunan ang mga gusto mo, sabihin ito ng maayos sa kanila. Hamunin ang sarili upang isipin na ang sexual attraction ay hindi lang tungkol sa maselang bahagi ng katawan, at mas bigyang pansin ang katauhan ng iyong kausap.
Pwede ba akong magtanong ng mga bagay tungkol sa kanilang pag-transition?
Ang pinakamagandang sagot, ay tanungin ang iyong sarili, kung bakit kailangan mong malaman, personal na pag-usisa ba, o sekswal na interes, o may tanong ka tungol sa iyong sariling kasarian? May mga pagkakataon na okay lang tanungin ang isang trans na tao tungkol sa mga maselang bagay, may mga panahon din na ito ay hindi ok. Ang mga trans na tao ay maaring hindi komportableng magbahagi ng mga maselang impormasyon. Maging magalang at itanong kung sila ay komportableng magbahagi sa iyo ng kanilang personal na karanasan.
Kung ang pagtatanong ay mauuwi sa pagtatalik, tanungin sila kung ano ang mga interes nila sa pagtatalik. Maaari itong maging isang masaya at mahusay na paraan upang simulan ang usapan, at pinakamahalaga, panatilihin ang isang bukas na pag-iisip.
Kapag nagpa bottom surgery na ang trans woman, pwede pa rin ba siyang maging "top"? Gayundin, kung hindi pa nagpa "bottom surgery" ang isang trans man maari ba siyang maging "top"?
Maraming mga pagpapalagay ang madalas na iniiisip tungkol sa mga transgender na tao at isa sa mga ito ay tungkol sa "sexual roles". Iwasang ipagpalagay kung ano ang sexual role na ginagampanan sa pagtatalik ng isang trans na tao.
Anuman ang maselang bahagi ng isang trans na tao, sila ay malaya na magkaroon ng iba't ibang gusto sa paraan ng pagtatalik, katulad mo na mayroon ding sariling mga kagustuhan. Ang ibang trans na lalaki ay mas gustong maging "top" kahit sila ay wala pa o mayroon nang "bottom surgery", habang ang ibang trans na lalaki ay mas gusto na sila ang pinapasukan. Gayundin, ang ibang trans na babae na hindi pa nagpa-opera ay mas gustong maging "top", habang ang iba ay mas gustong maging "bottom", kahit sila ay mayroon na o wala pang operasyon sa katawan.
Pinakamabuting itanong sa mga potensyal na partner kung sa anong klaseng pagtatalik sila nasisiyahan at kung saan sila komportable.
Kung wala ka pang top surgery, paano ka naging Top?
Ang "top surgery" ay tumutukoy sa pagpapaayos ng dibdib ayon sa pangangailangan ng isang trans na tao. Mga halimbawa ay pagpapatanggal ng suso para sa mga trans na lalaki, at pagpapadagdag ng suso para sa mga trans na babae.
Ang top surgery ay hindi nauugnay sa sexual role na "top", na nangangahulugang ikaw ang may ipinapasok. Ang trans na lalaki na hindi nagkaroon ng anumang operasyon ay maari ding maging "top" gamit ang mga sex toys.
Paano ko magalang na maitatanong kung anong genitals mayroon ang kausap ko?
Bago ka magtanong sa isang transgender na tao tungkol sa mga operasyon, isipin muna kung ikaw ay nasa sitwasyon kung saan itatanong mo sa isang cisgender na tao ang tungkol sa kanilang mga maselang bahagi. Ngunit kung kailangan mo talagang malaman, una, maari mong tanungin kung komportable sila na pag-usapan ang mga tungkol sa maselang bahagi ng kanilang katawan. Kapag at kung tungkol sa pagtatalik, tanungin sila kung may anumang mga limitasyon at tanungin din kung anong mga salita ang ginagamit nila para tukuyin ang iba't ibang bahagi ng kanilang katawan. Ang ganitong uri ng bukas na komunikasyon ay lalong mahalaga sa mga transgender na tao.
Masama bang sabihin yung "sabi ko na Barbie"?
Maaring ang nauusong mga salitang ito ay mukhang harmless, ngunit ang paggamit nito ay diskriminasyon sa mga lalaking medyo feminine (parang babae) kumilos. Nilalagay nito sa pagkapahiya ang mga lalaki na feminine ang pagpapahayag ng kasarian. Ang gender expression, gender identity, o sexual orientation ng isang tao ay hindi dapat gawing katatawanan ng ibang tao.
Ano ang ibig sabihin ng Top, Bottom, Side, at Versa?
Ang mga salitang ito ay ginagamit upang ilarawan ang iba't ibang mga sexual roles at preferences. Ang "Top" ay ang may ipinapasok. Ang "Bottom" ay ang pinapasukan. Ang "Side" ay tumutukoy sa mga sekswal na posisyon na walang penetration. "Versa" o versatile, ay karaniwang nangangahulugang sila ay maaring maging "top" o "bottom".
Maraming mga pagpapalagay ang madalas na iniiisip tungkol sa mga transgender na tao at isa sa mga ito ay tungkol sa "sexual roles". Iwasan ang pagpapalagay na ang isang babaeng trans (ang isang taong nabubuhay bilang isang babae ngayon) ay hindi maaaring maging "Top", halimbawa, at manatiling bukas ang isip sa anumang sasabihin ng isang indibidwal tungkol sa kung saan at anong paraan sila natutuwa.
Bakit may mga Transgender women sa Grindr kung babae sila?
Maaaring maraming mga dahilan kung bakit ang mga babaeng trans ay gumagamit ng Grindr. Hindi lahat ng mga trans woman ay alam na maaaring sila pala ay transgender - ang iba sa kanila ay maaaring nakikita pa rin ang kanilang sarili bilang bakla. O maaaring mas gusto nilang gumamit ng isang gay app sa halip na gumamit ng mga dating apps na ginawa para sa mga babae at lalaki.
Kapag ang isang trans man ay pumatol sa gay man, straight na ba si trans man?
Ang iyong sexual orientation ay nakabatay sa kasarian ng taong nagugustuhan mo at hindi sa kasarian na ipinapalagay noong ang taong iyon ay ipinanganak. Kaya kung ikaw ay isang cisgender na bakla at pumatol ka sa isang trans na lalaki, ikaw ay itinuturing pa rin bilang isang bakla. Gayundin, kung ang isang trans na lalaki ay nagkakagusto lang sa kapwa lalaki, siya ay itinuturing na bakla.
Kung transgender man ka, bakit pumapatol ka pa rin sa lalaki?
Ang isang Transgender na lalaki, katulad ng isang cisgender na lalaki, ay maaaring magkagusto sa sinuman. Ito ang kanyang (o kanilang) sexual orientation. Maaari siyang maging isang bakla, at magkagusto sa ibang mga lalaki (sa cisgender na lalaki o sa kapwa trans man). Kung siya ay parehong naaakit sa kapwa lalaki at babae, kung gayon maaaring siya ay isang bisexual na lalaki o queer na lalaki.
Palagi kong naririnig yung SOGIE, ano ba iyon? Kailangan ko ba iyong malaman?
Ang SOGIE ay tumutukoy sa Sexual Orientation, Gender Identity, at Gender Expression. Ang mga ito ay mga aspeto na makakatulong upang maunawaan ang pagkakakilanlan sa sarili, pagkagusto sa ibang tao, at pagpapahayag ng sarili. Ang bawat tao ay may sariling SOGIE. Ang pag-unawa sa SOGIE ay makakatulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang iyong sarili, at ang mga potensyal na partner sa Grindr.
May Tagalog bang salita para sa Transgender, trans woman at trans man?
Walang direktang pagsasalin para sa mga salitang ito. Ang mga komunidad ng mga transgender sa Pilipinas ay gumagamit ng iba't ibang mga salita upang ilarawan ang transgender na karanasan.
Halimbawa, ang ilang mga komunidad ay gumagamit ng "trans pinay" at "trans pinoy", ang ibang komunidad ay ginagamit pa rin ang mga salitang "bakla" at "bayot" upang tumukoy sa trans na babae. Gayundin, ginagamit pa rin ang "tomboy" o "les" upang tumukoy sa mga trans na lalaki.
Bagaman, kailangan nating isaalang-alang na ang paggamit ng "bakla" at "tomboy" upang tumukoy sa mga trans na tao ay maaring makasakit ng kanilang damdamin. Pinakamabuting tanungin muna ang tao kung anong mga salita ang komportable sila.
Ano ang pagkakaiba ng trans man sa Lesbian, at / o Tomboy?
Ang isang lesbian, tomboy, at isang transgender na lalaki ay lahat na ipinapalagay na babae noong ipinanganak.
Ang isang lesbian ay isang babae na nagkakagusto lamang sa kapwa babae. Ang "tomboy" sa kahulugan nito sa Ingles ay isang babae na nagbibihis at kumikilos tulad ng isang lalaki, kaya't ang pagiging tomboy ay isang halimbawa ng pagpapahayag ng kasarian ng babae. Gayunpaman, sa kontekstong Pilipino, ang "tomboy" ay ginagamit upang tumukoy sa mga lesbian. Ang isang transgender na lalaki ay isang lalaki at maaring magkagusto sa sinuman.
Ang pagiging lesbian ay sexual orientation ng isang tao, ang pagiging tomboy ay gender expression ng isang tao, habang ang pagiging transgender na lalaki naman ay gender identity ng isang tao. Sa madaling sabi, ang isang lesbian at isang tomboy ay parehong babae, habang ang isang transgender na lalaki ay isang lalaki.
Mahalagang huwag isiping lesbian o tomboy ang isang trans na lalaki. Ito ay kadalasang nakakasakit ng damdamin ng mga trans na lalaki.
Kung transgender pala ako, kailangan ko bang mag-transition? At /o magpa-surgery?
Ang pag-transisyon at pagkakaroon ng mga operasyon ay hindi sapilitan. Ang mga trans na tao ay sumasailalim sa transisyon at/o mga operasyon upang ihanay nila ang kanilang pisikal na hitsura sa paraan na gusto nilang ipahiwatig ang kanilang kasarian, at upang maibsan ang hindi komportableng pakiramdam. Ang pangangailangan na ito ay maaaring hindi pareho para sa bawat taong transgender.
Kung iniisip mong kailangan mong mag-trasisyon o makakakuha ng mga operasyon, maari makipag-ugnayan sa mga lokal na community centers na nakalista sa seksyon ng Manatiling Ligtas. Maari silang magbigay ng karagdagang gabay.
Pakiramdam ko babae ako, transgender na ba ako?
Kapag ang isang tao ay ipinapalagay na lalaki noong ipinanganak, at nagkakaroon sila ng damdamin na maging isang babae, kung gayon maaring sila ay isang transgender na babae. Mayroon din mga tao na pakiramdam nila ay hindi sila ganap na lalaki o ganap na babae, at mayroon ding iba na ang pakiramdam ay pareho silang babae at lalaki. Makakatulong para sa isang tao na isiping mabuti kung ano talaga ang kanilang panloob na nararamdaman.
Paano ka naging lalaki kung wala ka pang titi?
Hindi lahat ng trans man ay gustong magkaroon ng titi at ang pagiging okay sa kung anong ari mayroon sila ay hindi kabawasan sa kanilang pagiging lalaki. Ang katotohanan ay, higit na mas marami pang aspeto ang ating kasarian bukod sa ating ari o maselang bahagi. Ang pagiging lalaki ay hindi kinakailangang ibig sabihin na mayroong kang titi o ginugusto mong magkarooon nito. Gayundin, ang pagiging babae ay hindi kinakailangang ibig sabihin na mayroong kang puki. Maraming iba't ibang paraan upang maging isang tao.
Kung ako ay isang transgender, at ako ay nasa panganib, kanino ako dapat tumawag (Estados Unidos)?
Inilalagay ng Transphobia ang maraming mga trans tao sa panganib araw-araw. Kung ikaw ay nasa Estados Unidos, ang National Center for Transgender Equality ay pinagsama ang listahan ng mga mapagkukunan ng impormasyon at suporta.
Maaari mo ring isaalang-alang ang pagtawag sa Trans Lifeline, isang samahan ng mga transgender na tao para sa mga taong transgender. Ang mga boluntaryo ng Trans Lifeline ay handa na tumugon sa anumang suporta ng mga pangangailangan ng mga miyembro ng ating komunidad. Maaari mong tawagan ang Trans Lifeline sa US sa (877) 565-8860 o sa Canada: (877) 330-6366.
Kung ikaw ay nasa Estados Unidos at iniiisip na saktan ang iyong sarili, maaring lumapit sa isa sa mga sumusunod:
National Suicide Prevention Hotline
24/7 hotline, mayroong mga propesyunal na indibidwal na handang tumulong sa mga nasa suicidal crisis o emosyonal na pagkabalisa.
Crisis hotline: 800-273-TALK (8255); 888-628-9454 (en español)
The Trevor Project
Interbensyon para sa krisis at serbisyo sa kalusugan ng kaisipan para sa mga edad na 13-24
Crisis hotline: 866-488-7386 (para sa edad 13-24)
Kung iniisip ko na gusto kong mag-transisyon ng medikal, saan pa ako makakakuha ng mas madaming impormasyon?
Kung kailangan mo ng gabay at mas maraming impormasyon tungkol sa medikal na pag-transisyon sa Pilipinas, maari mong kontakin ang mga community centers na ito.
Victoria By Love Yourself Clinic (Manila): 63915 831 8715, facebook.com/VictoriaByLoveYourself
Lily By Love Yourself Clinic (Paranaque): 63977 796 9227 , facebook.com/LilyByLoveYourself
Curls Vibe Center (Cebu): Curls.lgbt@gmail.com , facebook.com/ViBElgbt
Center for Gender Health and Wellness - The Medical City: 8- 988- 1000 / 8-988-7000 local 6576, Tmc_Wcl@themedicalcity.com
Dr Jojo Sescon, OBGYN/RH Specialist, Sta Ana Hospital: josescon108@gmail.com
Mayroon bang mga komunidad ng transgender na malapit sa akin, at makapagbibigay ng suporta (Pilipinas)?
May mga organisasyon ang mga trans sa iba't iban bahagi ng Pilipinas, na maaring makapagbigay ng suporta. Upang magbigay ng ilan, maaring makipag-ugnayan sa mga komunidad na ito:
LakanBini Advocates Pilipinas: info.lakanbini@gmail.com, facebook.com/lakanbiniadvocatespilipinas
Pioneer Filipino Transgender Men Community: pioneerftm@gmail.com, pionerftm.org, facebook.com/pioneerftm
Trans Men Equality and Awareness Movement (Cebu): team5cebu@gmail.com, transph.org, facebook.com/teamcebu.org
Illuminates of Spectra (Dumaguete): facebook.com/ISPEC.SU
Ilo Ilo Pride: secretariat.iloiloprideteam@gmail.com
Mujer-LGBT Organization, Inc (Zamboanga): facebook.com/Mujer-LGBT
Sangre Y Vida (Dipolog): 6.39463E+11
Bakit gusto ng ilang tao na tawaging "they"?
Maraming non-binary na tao na ang gender identity ay hindi ganap na lalaki o hindi ganap na babae, ay hindi gumagamit ng He or She dahil para sa kanila ang mga ito ay hindi akma. Ang paggamit ng "they" para tumukoy sa iisang tao ay maaring bago sa iyo ngunit ang paggalang sa kagustuhan ng tao tungkol sa kung paano sila tawagin ay marapat at angkop.
Kung ikaw ay nagkamali, maaring angkop na humingi ng tawad at patuloy na subukang maging magalang, ngunit huwag nang palakihin ang mga bagay upang hindi mapahiya ang tao at mas mapasama ang sitwasyon.
Paano maglagay ng higit sa isang pronoun sa Grindr?
Sa ngayon, sa Edit Profile Screen ay maaring pumili ng pronouns, he/him/his, she/her/hers, they/them/theirs, at maari ding maglagay ng pronoun na hindi nakalista. Siyempre, maraming trans na tao ang gumagamit ng higit sa isang pronoun. Sa kasong iyon, inirerekumenda namin ang pagsulat ng mga piniling pronouns sa Custom Option. Halimbawa, ang isang non-binary na tao ay maaring isulat ang "he or they".
Makakasakit ba kung sasabihan ang isang transgender na hindi sila mukhang trans?
Ang pagsasabi sa isang tao na hindi sila "mukhang trans" ay maaaring parang papuri, ngunit maaari din itong makasakit sa maraming trans na tao. Ipinapalagay ng pahayag na ito na alam mo kung ano ang hitsura ng mga trans na tao at ipinapalagay din na pare-pareho ang histura ng mga trans na tao.
Okay lang bang tanungin ang isang transgender tungkol sa kanilang dating pangalan?
Para sa maraming mga taong trans, maaring maging masakit na karanasan ang tawagin sila sa pangalan na nakilala sila bago mag-transition. Maaaring maalaala nila ang mga panahon na hindi nila nadama na sila ay tanggap para kung sino talaga sila. Sa kabilang banda, para sa ilang mga taong trans, maaaring hindi ito problema.
Upang matiyak na komportable at tanggap ang mga trans na tao, huwag tanungin ang tungkol sa dati nilang pangalan o kung paanong napili ang kanilang kasalukuyang pangalan.
Maganda bang magtanong sa isang trans person tungkol sa mga operasyon?
Maraming mga transgender na tao ang laging tinatanong tungkol sa kung ano ang mga operasyon na mayroon sila, at madalas na ang mga taong nagtatanong ay hindi angkop ang paraan ng pagtatanong at sila ay wala ding kinalaman sa maselang impormasyon tungkol sa katawan ng isang trans na tao. Ang patuloy na sexual harassment ay maaaring magkaroon ng malalim na negatibong epekto sa isang tao.
Bago ka magtanong sa isang taong trans tungkol sa mga operasyon, maaring isipin muna kung ang tanong na ito ay angkop at naaayon ding itanong sa mga taong cis tungkol sa maselang bahagi ng kanilang katawan
Siyempre, kung pinag-uusapan ng mga tao ang isang potensyal na pag-uugnayan, maaaring ito ay tamang oras upang magtanong. At kung ito ang tamang oras, ang paggamit ng mga mas malalawak na tanong katulad ng "Ano ang mga hilig mo sa sex? ay maaring magbukas ng usapan na hindi ka nakakasakit ng damdamin.
Maari bang maging bakla ang isang transgender na tao?
Ang Gender Identity ay naiiba sa Sexual Orientation. Ang Gender Identity ay panloob na kaalaman ng isang tao sa kanilang kasarian - ang malalim na kaalaman na sila ay isang lalaki, isang babae, o Non-Binary.
Ang Sexual Orientation ay tungkol sa kung kanino ka nagkakagusto o naaakit. Transgender man o cisgender, kahit sino ay maaaring magkagusto sa maraming iba't ibang mga tao. Halimbawa, ang isang transgender na lalaki (isang taong ipinanganak na babae ngunit nabubuhay bilang isang lalaki ngayon) ay maaaring magkagusto sa ibang mga lalaki at makilala bilang isang bakla. Maaari siyang maakit sa mga babae at makilala bilang isang straight na lalaki. Maaari siyang maakit sa parehong kapwa lalaki at babae at makilala bilang isang bisexual na lalaki o isang queer na lalaki.
Paano ko magalang na maitatanong sa isang trans person kung ano ang gusto nila sa sekwal?
Ang pagtatanong sa isang tao kung ano ang sekswal nilang interes ay magandang panimula ng usapan, ngunit mahalagang iwasan ang paggawa ng pagpapalagay.
Maraming pagpapalagay ang ginagawa tungkol sa mga taong trans sa lahat ng oras, at isa sa mga ito ay tungkol sa kung ano ang kanilang bahaging ginagampanan sa pagtatalik. Iwasan ang pagpapalagay na ang isang babaeng trans (ang isang taong nabubuhay bilang isang babae ngayon) ay hindi maaaring maging "top", halimbawa, at manatiling bukas sa anumang sasabihin ng isang indibidwal tungkol sa kung saan sila na nasisiyahan.
Bilang karagdagan, huwag isipin na alam mo kung anong mga salita ang nais na gamitin ng isang taong trans patungkol sa kanilang mga maselang bahagi ng katawan. Ang ilang mga trans na tao ay gumagamit ng mga salitang nauugnay sa kanilang gender identity kahit na ang kanilang mga maselang bahagi ng katawan ay mukhang iba kaysa sa mga cisgender na tao. Halimbawa, ang isang trans man (ang isang taong ipinanganak na babae ngunit nabubuhay bilang isang lalaki ngayon) ay maaaring gumamit ng salitang "titi", kahit na wala siyang operasyon upang palakihin ito. Ang ibang mga taong trans ay maaaring gumamit ng mga salitang nauugnay sa hindi nila kasarian. Halimbawa, ang isang trans woman (isang taong ipinanganak na lalaki ngunit nabubuhay bilang isang babae ngayon) na hindi pa nagkaroon ng operasyon upang lumikha ng isang puki ay maaari ring gamitin ang salitang "titi". Panghuli, ang ilang mga trans na tao ay maaaring gumamit ng mga bagong salita. Halimbawa, ang isang lalaki na trans ay maaaring gamitin ang salitang "front hole". Ang pagkakamali sa mga salitang ito ay maaaring magresulta sa pagkasakit ng damdamin at pagkabigong umugnay kaya't laging magandang ideya na tanungin ang mga trans na tao sa kanilang mga piniling termino.
Ano ang ibig sabihin ng Transition?
Para sa isang taong trans, ang Transition ay nangangahulugang nagsisimula na silang mabuhay sa kanilang Gender Identity. Para sa maraming mga taong trans, nangangahulugan ito ng pagbabago ng mga bagay tulad ng mga damit na kanilang isinusuot at ang pangalan na ginagamit nila.
Para sa ilang mga tao, sa pag-transition ay maaaring kasama ang paggamit ng hormones o pagkakaroon ng mga operasyon sa katawan upang itugma ang kanilang katawan sa kanilang pagkakakilanlan. Ngunit para sa iba, ang medikal na pag-Transition ay maaaring maging masyadong magastos o hindi nila gustong gawin.
Ano ang pagkakaiba ng trans at intersex?
Ang mga taong Intersex ay ipinanganak na may mga pagkakaiba-iba sa kanilang mga katawan na hindi umaangkop sa karaniwang mga medikal na kahulugan ng lalaki o babae. Maaaring kabilang dito ang chromosomal, hormonal, o iba pang mga pagkakaiba-iba sa katawan. Ito ay naiiba sa mga taong trans na ang gender identity ay hindi tumutugma sa kategorya na inilagay ng doktor sa kanilang kapanganakan.
Upang higit pang malaman ang tungkol sa mga intersex na tao at Intersex Movement, bisitahin ang OII Australia
Ano ang ibig sabihin ng pagiging Non-Binary?
Ang non-binary ay isa sa maraming mga salita na ginamit upang mailarawan ang mga tao na ang kanilang gender identity ay hindi ganap na lalaki o hindi ganap na babae. Ang mga indibidwal na Non-Binary ay maaaring gumamit ng iba pang mga salita tulad din ng "gender non-conforming", "queer", o "genderqueer".
Maraming mga Non-Binary na tao ang hindi gumagamit ng "he" or "she" dahil hindi nila nararamdaman na ito ay akma sa kanila. Ang ilang mga tao ay gumagamit ng "they", halimbawa. Ang ibang mga tao ay maaaring gumamit ng "he" or "she" ngunit maari pa rin na hindi nila nararamdaman na sila ay ganap na lalaki o babae.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging Transgender?
Ang mga transgender na tao ay mga tao na ang panloob na kaalaman sa kanilang kasarian ay naiiba sa kasarian na iniisip ng mga tao tungkol sa kanila. Ang "Trans" ay mas maikling salita na nangangahulugang "Transgender"
Ang isang babaeng transgender (trans woman o trans pinay) ay ipinapalagay na lalaki noong sila ay ipinanganak, ngunit ngayon sila ay nabubuhay bilang babae. Ang isang lalaking transgender (trans man o trans pinoy) ay ipinapalagay na babae noong sila ay ipanganak ngunit ngayon sila ay nabubuhay bilang lalaki.
May ilang mga transgender na tao na kinikilala ang kanilang sarili bilang hindi lalaki o babae, o maaari nilang kilalanin ang sarili bilang parehong lalaki at babae. Mayroong iba't ibang mga salita na ginagamit ng mga tao na hindi ganap na lalaki o ganap na babae upang ilarawan ang kanilang Gender Identity, tulad ng non-binary, non-conforming, queer, at genderqueer.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging Cisgender?
Ang mga Cisgender ay yung mga taong ang panloob na kaalaman nila ng kanilang kasarian ay pareho sa kasarian na iniiisip ng mga tao sa paligid niya noong siya ang pinanganak. Ang "Cis" ay mas maikling salita na nangangahulugang "Cisgender" .
Ang babaeng cisgender ay nabubuhay bilang babae ngayon, at ipinapalagay na babae noong siya ay ipinanganak. Ang lalaking cisgender ay nabubuhay bilang lalaki ngayon, at ipinapalagay na lalake noong siya ay ipinanganak.
Maraming cisgender na tao ang hindi kailanman iniisip ang kanilang sarili bilang cisgender dahil ang pagtutugma ng kanilang Gender Identity at ng inaasahang kasarian mula noong sila ay ipanganak ay karaniwan.