Maaaring masugpo ang virus sa katawan ng isang taong undetectable na positibo sa HIV sa pamamamagitan ng paggagamot. Sa katunayan, posible pang hindi ma-detect ang virus sa sample ng kanilang dugo.
Ayon sa siyensiya, kapag ang taong positibo sa HIV ay undetectable, hindi lamang sila ay mas malusog, hindi rin nila maipapasa ang HIV sa iba. Sapagkat, Undetectable = Untransmittable (U=U).
Mananatiling undetectable ang isang tao hangga’t iniinom niya ang gamot na ini-reseta sakanya.
Hindi nangangahulugan na ligtas sa HIV ang isang taong undetectable, ngunit, isa ito sa mga epektibong paraan ng HIV prevention.
May mga taong positibo sa HIV na hindi undectectable ang kanilang viral loads. Maaari din silang mag-praktis ng safe sex sa pamamaraan ng wastong HIV prevention tulad ng condom at PrEP.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang TheBody o www.UequalsU.org. (Link sa mapagkukunan ng impormasyon sa lenggwaheng Ingles)
Comments
0 comments
Article is closed for comments.